Tula Para sa Kalikasan



Ang bathala at mga dyosa ng kalikasa'y
Naghuhumiyaw sa pagsusumamong sila ay pansinin
Tamang direksiyo'y tahakin
Tamang gawi sa mundo'y palaganapin....

Ang kalikasa'y huwag nang gahasain
Karikitan ng inang kalikasa'y huwag nang nakawin..
Punlaan muli ang tigang na lupa
Na sabik sa binhi ng buhay na sa kanya'y magpanariwa...

Iwaksi na ang kamalayang buktot,
Na sa madla'y nambubugnot..
Ang hinaing mo'y pagnilayan
Bago pa man ibulalas ng lubusan...

Tao tayong may isip na sa mundo'y may pananagutan
Na ito'y pangalagaan at lahat ng sa kanya'y nananahan...



Salamat po Sir Sky para sa napakagandang likhang sinig.



0 comments:

Hindi bawal magcomment.